^

PSN Palaro

Mayweather: Walang rematch kay Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sino nga ba ang kinakausap ng grupo ni Manny Pacquiao kaugnay sa rematch kay Floyd Mayweather  Jr.?

Sa isang text message kahapon kay Stephen A. Smith ng ESPN, pinabulaanan ng 38-anyos na si Mayweather na may nangyayaring negosasyon para sa kanilang ikalawang laban ng 36-anyos na si Pacquiao sa susunod na taon.

“It’s totally false. I’m not fighting anyone,” ang maikling sagot ni Mayweather sa tanong sa kanya ni Smith.

Dalawang beses nang inihayag ni Pacquiao na may ginagawang pag-uusap para sa kanilang rematch ni Mayweather na tumalo sa kanya via unanimous decision noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Matapos dominahin si Pacquiao ay tinalo naman ni Mayweather si Andre Berto para pantayan ang record na 49-0-0 win-loss-draw ring record ni heavyweight great Rocky Marciano, nagretiro noong Abril ng 1962.

Isinabit na rin ng American world five-division titlist ang kanyang boxing gloves noong Setyembre.

Pinasinungalingan na rin ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na may nangyayaring negosasyon para sa Pacquiao-Mayweather rematch.

Ang kasalukuyang kinakausap ni Arum ay si British star Amir Khan na dating sparmate ni Pacquiao sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach.

 

vuukle comment

AMIR KHAN

ANDRE BERTO

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

ROCKY MARCIANO

STEPHEN A

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with