Texters balik sa porma: Pinataob ang enforcers
Laro sa Nov. 4
(Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. Blackwater vs Meralco
7 p.m. San Miguel vs Rain or Shine
MANILA, Philippines - Bagama’t nakamit ang kanilang unang panalo ay hindi pa rin kuntento si coach Jong Uichico sa inilaro ng kanyang Talk ‘N Text.
“We’re not where we should be. We still have a long way to go,” sabi ni Uichico matapos ang 101-97 pagtakas ng Tropang Texters laban sa Mahindra Enforcers sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ito ang unang panalo ng Texters matapos isuko ang 98-114 kabiguan sa Alaska noong nakaraang linggo.
Humugot si point guard Jayson Castro ng siyam sa kanyang 28 points, samantalang nagdagdag sina rookies Moala Tautuaa at Troy Rosario ng tig-12 markers kasunod ang 11 ni Larry Fonacier at tig-10 nina Ryan Reyes at Rob Reyes.
Matapos kunin ang first period, 24-19, ay 23 puntos lamang ang nagawa ng Tropang Texters sa second quarter kung saan naagaw ng Enforcers ang unahan sa halftime, 53-47.
Nakabangon naman ang Talk ‘N Text sa third period bago kunin ang 99-94 abante sa final canto.
Tumipa si guard LA Revilla ng 21 points, kabilang dito ang kanyang three-point play na nagdikit sa Mahindra sa 97-99- agwat, habang nagdagdag si rookie Bradwyn Guinto ng 17 points at 13 rebounds.
Sa ikalawang laro, bumangon ang Barako Bull mula sa 21-point deficit sa first period para resbakan ang Barangay Ginebra, 82-79, at ilista ang una nilang panalo sa dalawang laro.
- Latest