Hawks sinilo ang Knicks; Grizzlies hiniya ang Pacers
NEW YORK--Tumapos sina Jeff Teague at Al Horford ng 23 at 21 puntos para tulungan ang Atlanta Hawks sa 112-101 panalo sa Knicks sa NBA noong Huwebes ng gabi.
Mainit ang Hawks sa opensa at tumapos sila bitbit ang 51 percent shooting sa field para iparamdam ang kahandaan na ulitin ang naitalang marka sa nagdaang season, ay manalo ng higit sa 60 games at magtaglay ng pinakamagandang record sa Eastern Conference.
Tumapos si Kyle Korver ng 15 puntos habang si Paul Millsap ay naghatid ng 11 puntos at 11 rebounds para makabawi agad ang Altanta mula sa 106-94 pagkatalo sa Detriot sa unang laro.
Nakatulong pa sa nagwaging koponan ang pagsalpak ng sampung 3-pointers.
Nanguna si Carmelo Anthony para sa Knicks sa kanyang 25 puntos. Ngunit 10 lamang ang kanyang naisalpak matapos ang 27 attempts.
Tumipa lamang si Robin Lopez ng 18 puntos at naging malamig din ang bench para maunsiyami ang balak ng New York na sundan ang 122-97 panalo na naiposte sa Milwaukee Bucks sa unang laban sa season.
Sa Indianapolis, umiskor si Marc Gasol ng 20 puntos at nagdagdag naman si Mike Conley ng 13 puntos at 10 assists sa kanyang pagbabalik sa sariling tahanan nang tulungan ang Memphis Grizzlies sa 112-103 tagumpay laban host Pacers.
May pitong manlalaro ang Grizzlies (1-1) na umiskor ng dobleng pigura at kanilang nadomina ang Pacers sa 18-7 sa huling 3:49 minuto ng laro.
Naglista si George Hill ng 20 puntos para sa Pacers, habang nagsumite naman sina Paul George at C. J. Miles ng tig-18 puntos na hindi sapat para malasap ng Indiana ang 0-2 start sa nakalipas na anim na taon.
- Latest