^

PSN Palaro

NBA balik ABS-CBN kasama sina Paras, Magsanoc

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang apat na buwang pamamahinga ay muling magbabalik ang paboritong “NBA sa ABS-CBN” na mapapanood sa ABS-CBN at ABS-CBN Sports + Action.

Mas maiinit na aksyon at komentaryo ang dala-dala ng bagong season ng NBA.

Ikinagagalak din ng ABS-CBN Sports na ma­kasama ang dalawa sa mga alamat ng basketbol dito sa Pilipinas sa pagba­balik nina Ronnie Magsa­noc at Benjie Paras.

Makakatuwang nina Magsanoc at Paras sina Boom Gonzales at TJ Manotoc upang magsilbing analysts at komentarista ng mga larong ipapalabas sa Kapamilya network.

“Excited na kaming makasama ang tinawag nilang Point Laureate at Tower of Power para sa pag-ere ng mga laro ng NBA sa ABS-CBN at sa ABS-CBN Sports + Action,” sabi ni ABS-CBN Sports head Dino Laurena.

Ang “NBA sa ABS-CBN” ay mapapanood  sa ABS-CBN tuwing Sabado at sa ABS-CBN Sports + Action channel 23 tuwing Biyernes, Linggo, at Lunes ng umaga na may kasamang primetime replay sa parehong araw din.

Para sa karagdagang impormasyon sundan ang ABS-CBN Sports sa Facebook at Twitter (@abscbnsports) page nito o kaya naman bisitahin ang Sports.abs-cbn.com.

vuukle comment

ABS

ACIRC

ANG

BENJIE PARAS

BOOM GONZALES

CBN

DINO LAURENA

POINT LAUREATE

RONNIE MAGSA

SPORTS

SPORTS + ACTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with