PCU niyanig ang Sta. Lucia Land
MANILA, Philippines – Sinorpresa ng Philippine Christian University ang dating kampeong Sta. Lucia Land, 97-91 sa pagpapatuloy ng 5th DELeague Basketball Tournament noong Martes ng gabi sa Basketball Covered Court ng Marikina Sports Center.
Nangapa man sa opensa sa first quarter, hindi na napigil pa ang Dolphins nang makuha ang laro upang kunin na ang momentum sa unang pagkakataon sa second period tungo sa panalo.
Pinangunahan nina Chris Malto na may 24 puntos, Fidel Castro na may 23 puntos at Von Tambeling na may 20 puntos ang PCU para ihatid sa unang panalo.
Sa isa pang laro, tinambakan ng Macway Travel ang Philippine National Police-Quick Print, 96-69 sa torneong suportado ng PSBank, Accel Sportswear, PCA-Marivalley, Angel’s Burger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie at JAJ Quick Print Advertising.
- Latest