^

PSN Palaro

Lady Blaze Spikers titikim ng 2-dikit

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sundan ang magandang panalo na naitala sa huling laro ang tutumbukin ng Petron Lady Blaze Spi­kers sa pagharap uli sa RC Cola-Air Force Raiders sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) women’s volleyball tournament  ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Galing ang nagdedepensang kampeon Lady Blaze Spikers sa 25-16, 14-25, 25-17, 22-25, 15-13 panalo sa dating walang talo na Cignal HD Lady Spikers para maging paborito sa Raiders.

Mapapanood ito dakong alas-6:15 ng gabi  kasunod ng Foton Tornadoes at Cignal sa ganap na alas-4:15 ng hapon.

Asahan na magpu­pur­sigi ang HD Lady Spi­kers na makabangon agad ngunit bibigyan sila ng magandang laban ng Tornadoes na papasok sa laro mula sa 25-14, 25-13, 25-16, panalo sa Raiders.

Ito na ang ikaapat na sunod na pagkatalo ng Raiders at kailangan nilang maibangon ang kumpiyansa para tapatan ang inspiradong paglalaro ng Petron.

“Mahalaga itong panalo na ito dahil tataas ang morale ng team sa se­cond round,” wika ni coach George Pascua.

Si Rupia Inck na gumawa ng conference high 26 puntos, ay makikipagtulungan uli kina Dindin Manabat, Frances Moina at Rachel Ann Daquis.

Ang Cignal ay aasa pa rin kina Ariel Usher at Amanda Anderson pero dapat na bumalik ang tikas ng laro ng mga locals para maisantabi ang papaakyat na paglalaro ng Tornadoes.

vuukle comment

ACIRC

AMANDA ANDERSON

ANG

ANG CIGNAL

ARIEL USHER

CIGNAL

COLA-AIR FORCE RAIDERS

DINDIN MANABAT

FOTON TORNADOES

FRANCES MOINA

GEORGE PASCUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with