^

PSN Palaro

Road Warriors sumama na sa liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naging balanse ang produksyon ng Road Warriors para kunin ang kanilang ikalawang sunod na panalo at sumosyo sa liderato ng 2015 PBA Philippine Cup.

Umiskor si 6-foot-9 Fil-Tongan Asi Taulava ng 14 points kasunod ang 12 ni Mac Cardona at tig-11 nina Kevin Alas at Sean Anthony para sa 93-85 paggupo ng NLEX sa Barako Bull kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagdagdag si Enrico Villanueva ng 10 points  kasunod ang tig-8 nina Mark Borboran, Eric Camson at Jonas Villanueva.

“We’re happy that we’re there but it’s a long conference,” sabi ni coach Boyet Fernandez sa pagsalo ng Road Warriors sa Rain or Shine Elasto Painters sa liderato. “We’re facing the big teams in our next games, so we just have to be ready.”

Mula sa seven-point deficit sa first half ay buma­ngon ang NLEX sa third quarter para lama­ngan ang Barako Bull papasok sa fourth period, 73-63.

Itinala ng Road Warriors ang 11-point lead, 76-65 sa huling walong minuto ng final canto bago nakalapit ang Energy sa 74-78 mula sa basket ni JC Intal.

Ang basket ni Borboran ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng NLEX mula sa kanilang 89-78 bentahe sa Barako Bull sa huling 1:13 minuto ng labanan.

Pinamunuan nina Intal at Wilson ang Energy sa kanilang tig-16 markers, habang may 11 si Mic Pennisi at 10 si RR Garcia.

NLEX 93 – Taulava 14, Cardona 12, Alas 11, Anthony 11, Villanueva E. 10, Borboran 8, Camson 8, Villanueva J. 8, Khobuntin 7, Enciso 4, Apinan 0, Arboleda 0, Lanete 0, Reyes 0.

Barako Bull 85 – Intal 16, Wilson 16, Pennisi 11, Garcia 10, Cruz 7, Miranda 7, Urbiztondo 7, Baracael 4, Monfort 3, Lanete 2, Sorongon 2, Forrester 0, Fortuna 0.

Quarterscores: 18-25; 38-45; 73-63; 93-85.

ACIRC

ANG

BARAKO BULL

BORBORAN

BOYET FERNANDEZ

ENRICO VILLANUEVA

ERIC CAMSON

FIL-TONGAN ASI TAULAVA

GARCIA

INTAL

ROAD WARRIORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with