Mammie gagawin ang lahat para sa Aguilas sa ABL
MANILA, Philippines – Nangako si Charles Mammie na gagawin ang lahat para matulungan ang kampanya ng Pilipinas Powervit Aguilas sa 2015 Asean Basketball League (ABL).
Bukas na magsisimula ang kampanya ng Aguilas laban sa Thailand Mono Vampires sa Davao at sinabi ni Mammie na pagtutuunan niya ang rebounding at depensa.
“I will be the garbage man,” wika ng 6’7 na si Mammie sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
“I will focus on rebounding and do the odd jobs inside the paint,” dagdag nito.
Si Mammie ay dating import ng UE at siya ang magiging ikalawang import ng koponang hahawakan ni coach Zaldy Realubit.
Ang isa ay ang makailang-ulit na itinanghal bilang PBA Best Import na si AZ Reid.
Inimbitahan si Reid at ang dating PBA MVP na si Willie Miller pero hindi sila nakasipot.
Ang iba pang aasahan sa koponan ay sina dating PBA player Sunday Salvacion, Carlo Sharma at Jondan Salvador.
Suporta rin ng mga manonood ang aasahan ng Aguilas para bigyan ng magandang simula ang kampanya sa regional basketball league.
Matapos ang laro ay agad na lilipad ang koponan patungong Kuala Lumpur para harapin ang Malaysia sa Oktubre 31. Sa Nobyembre 4 ay babalik ang Aguilas sa bansa at lalabanan ang Saigon Heat sa General Santos City.
- Latest