^

PSN Palaro

San Miguel, NLEX makikisosyo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pupuntiryahin ng nagdedepensang San Miguel at ng NLEX ang kanilang ikalawang sunod na panalo para makasosyo sa liderato, habang itatampok naman ng Meralco at Barako Bull ang dalawang player ng Gilas PIlipinas.

Sasagupain ng Beermen ang Meralco Bolts ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Road Warriors at ng Barako Bull Energy sa alas-4:15 ng hapon sa 2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Binuksan ng San M­i­guel ang pagtatanggol sa kanilang korona matapos sibakin ang Globalport, 97-86 noong nakaraang Sabado sa Davao City.

Ikinagulat ito ni coach Leo Austria.

“Struggling kami talaga sa preseason games namin. Out of six games we played, nanalo kami ng dalawa tapos isang draw,” wika ni Austria sa kanyang Beermen na nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup at sa Governor's Cup.

Sa nasabing panalo ng Beermen sa Batang Pier ay humakot si  back-to-back MVP June Mar Fa­jardo ng 21 points, 17 rebounds at 3 shotblocks.

Nagdagdag naman ng 19 markers si Alex Cabag­not kasunod ang 11 ni Arwind Santos at tig-10 nina Marcio Lassiter at Gabby Espinas.

Itatampok naman ng Bolts ni one-time PBA Grand Slam champion mentor Norman Black si dating Talk 'N Text at Gilas Pilipinas playmaker Jimmy Alapag.

Makakatuwang ng 43-anyos na si Alapag sa backcourt ng Meralco sina Anjo Caram, Simon Atkins at San Beda Red Lions' guard Baser Amer.

Sa unang laro, hangad ng NLEX na madugtungan ang kanilang 90-86 panalo laban sa Blackwater noong Oktubre 23 sa pagharap sa Barako Bull na ibabandera si Gilas Pilipinas guard JC Intal.

vuukle comment

ACIRC

ALEX CABAG

ANG

ANJO CARAM

ARWIND SANTOS

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY

BASER AMER

BEERMEN

GILAS PILIPINAS

PHILIPPINE CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with