^

PSN Palaro

Quiñahan pinunan ang pagkawala ni Lee

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa offseason ay walang tigil sa pagpapaganda ng kanyang laro si 6-foot-6 center JR Quiñahan.

Kaya naman nakikita ngayon ang pinaghirapan ng dating University of Visa­yas star slotman matapos maging instrumento sa dalawang sunod na panalo ng Rain or Shine sa 2015 PBA Philippine Cup.

“Nagtiyaga talaga iyan si JR sa offseason, kaya ngayon nakikita natin ang bunga,” sabi ng kanyang ka­tambal na si 6’6 Beau Belga kay Quiñahan.

Sa 96-87 come-from-behind win ng Elasto Pain-ters laban sa Star Hotshots noong nakaraang Miyerkules ay kumamada si Quiñahan ng team-high na 17 points, 8 rebounds at 4 blocks.

Kumolekta naman ang Cebuano ng 14 points at 5 boards sa 108-94 pagpapatumba ng Rain or Shine sa Mahindra noong Linggo.

Dahil sa kanyang ka­b­ayanihan ay hinirang si Quiñahan bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week kung saan niya tinalo ang kakamping si Jericho Cruz.

Sa magandang inilalaro ni Quiñahan ay hindi mas­yadong nararamdaman ng Elasto Painters ang pagkawala ng may injury na si combo guard Paul Lee.

Nakatakdang labanan ng Rain or Shine ang nagdedepensang San Miguel sa Nov. 4 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

vuukle comment

ACIRC

ATILDE

BEAU BELGA

ELASTO PAIN

ELASTO PAINTERS

JERICHO CRUZ

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

PAUL LEE

PHILIPPINE CUP

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with