Dasal para kay Ranidel hiling ng Tropang Texters
MANILA, Philippines - Hindi sa loob ng basketball court nagkaroon ng seryosong injury si Talk ‘N Text power forward Ranidel De Ocampo.
Habang nagbubuhat ng weights kahapon ay nakaramdam si De Ocampo ng lagatik sa kanyang likod at matapos ito ay hindi na siya nakagalaw, ayon kay Talk ‘N Text assistant coach Josh Reyes.
Nagposte si Reyes ng isang video sa Instagram kung saan inilagay si De Ocampo sa stretcher at isasakay sa ambulansya papunta sa ospital para makuhanan ng MRI.
Kaagad namang humiling ng dasal para kay De Ocampo si dating Talk ‘N Text at Gilas Pilipinas coach Chot Reyes.
“Was lifting wts when he felt a twitch in his back.Could hardly move after. Pray it’s nothing serious #prayersforRDO,” sabi ni Chot Reyes sa kanyang Twitter account na @coachot.
Ang 6-foot-5 na si De Ocampo ay isang one-time Best Player of the Conference at six-time champion sa Tropang Texters.
Naging miyembro si De Ocampo ng Gilas Pilipinas teams na kumuha ng silver medal sa FIBA Asia Championships noong 2013 at 2015.
- Latest