^

PSN Palaro

Oraeme sinikwat ang ROY, MVP

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng pa­konsuelo ang host Mapua Cardinals nang nakuha ng 6’9 import Allwell Oraeme ang Rookie of the Year at MVP awards sa season.

Ang 19-anyos Nigerian native ay nakalikom ng 69.67 Player All-Around Value (PAV) mula sa i­binigay na 16.33 puntos, na­ngungunang 20.28 rebounds at 2.94 blocks.

Tinalo niya sa MVP award sina Arthur dela Cruz ng San Beda Red Lions (60.61), Earl Scottie Thompson ng Perpetual Help Altas (57.72), Jio Jalalon ng Arellano Chiefs (55.67) at Bright Akhuetie ng Altas (52.88).

Si Oraeme ang lumabas din bilang Defensive Player of the Year at kabilang din sa Mythical Five kasama ang mga tinalo sa MVP race.

Nakuha ni Michael Calisaan ng San Sebastian Stags ang Most Improve Player award.

Si Michael Enriquez ng Red Robins ang siyang lumabas na MVP sa juniors division para walisin ito ng host school.

Si Ricci Rivero ng La Sale-Greenhills ang siyang nanguna sa PAV sa 57.35 habang si Enriquez ay mayroong 48.50. Ngunit disqualified sa MVP si Rivero dahil nasuspindi siya ng isang laro.

vuukle comment

ACIRC

ALLWELL ORAEME

ANG

ARELLANO CHIEFS

BRIGHT AKHUETIE

DEFENSIVE PLAYER OF THE YEAR

EARL SCOTTIE THOMPSON

JIO JALALON

LA SALE-GREENHILLS

MAPUA CARDINALS

MICHAEL CALISAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with