Accel maglulunsad ng bagong produkto
MANILA, Philippines – Isang reliable partner ng Philippine Basketball Association sa higit sa isang dekada, muling magkakaroon ng mahalagang papel ang ACCEL sa league history ang No.1 local sports apparel brand.
Bukod sa pagiging official outfitter ng pro league, nakipagtambal din ang ACCEL sa mga koponan ng Mahindra at San Miguel Beer.
Ginamit din ng Beermen ang ACCEL bilang outfitter sa kanilang back-to-back championships.
Sa nakaraang mga taon ay naging bahagi ng ACCEL sina PBA stars Jayjay Helterbrand, Mark Caguioa, Mark Pingris at Asi Taulava pati na si Filipino boxing icon Manny Pacquiao, ang coach ng Mahindra.
Bukod sa PBA, nakipagtulungan din ang ACCEL sa mga proyekto ng PBA Press Corps sa higit sa 10 taon.
Nakatakdang maglunsad ang ACCEL ng bagong official replica jerseys na gawa sa lightweight at durable materials.
“As the official partner of the PBA in its merchandise, we never stop improving our product line to better serve the league’s millions of fans,’’ sabi ni Sporteum Philippines Inc. president Willie Ortiz.
- Latest