^

PSN Palaro

Love muling naglaro sa Cavs

Pilipino Star Ngayon

TORONTO — Nagta­la ang nagbabalik na si Ke­vin Love ng 6 points at 4 rebounds sa kanyang unang laro matapos ang season-ending shoulder injury sa opening round ng na­karaang playoffs.

Ngunit nanatili pa ring wa­lang panalo ang Cleveland Cavaliers sa preseason matapos makalasap ng 81-87 kabiguan sa Toronto Raptors.

Umiskor si Jonas Valan­ciunas ng 12 points at kumolekta si Cory Joseph ng 11 points at 6 assists para sa Raptors.

Tumipa naman si guard Mo Williams ng 13 points, habang nagdagdag ng tig-12 sina Matthew Dellavedo­va at Anderson Varejao sa panig ng Cleveland (0-6).

Hindi naglaro sina Le­Bron James at Richard Jef­ferson para sa Cavaliers.

Sa Portland, Oregon, ku­mamada si Damian Lillard ng 32 points, habang may 26 markers si C.J. McCollum para tulungan ang Trail Blazers sa pagba­ngon mula sa 21-point, second-half deficit at talunin ang Utah Jazz, 116-111, sa over­time.

Nagsalpak si Lillard, tu­mipa ng dalawang free throws sa huling 2.8 segundo para itabla ang laro sa 101-101 patungo sa overtime, ng anim na 3-pointers para sa Portland (3-2).

Sa Atlanta, umiskor sina Gerald Green at James Ennis ng tig-19 points para tulungan ang Miami Heat sa 101-92 paggupo sa Hawks.

Nagdagdag si Chris Bosh ng 14 points para sa Heat (3-3) bago iniupo sa se­cond half kasama sina star­ters Dwyane Wade at Luol Deng.

Sa Oklahoma City, gumawa si Kevin Durant ng 23 points para pamunuan ang Thunder sa 111-98 paggiba sa Denver Nuggets.

vuukle comment

ACIRC

ANDERSON VAREJAO

ANG

BRON JAMES

CHRIS BOSH

CLEVELAND CAVALIERS

CORY JOSEPH

DAMIAN LILLARD

PARA

POINTS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with