^

PSN Palaro

Yaya Dub ‘di nakuha ng Ginebra

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. opening ceremonies

5:15 p.m. Rain or Shine vs Star

 

MANILA, Philippines – Dahil sa pagtanggi ng kampo ni ‘Dubsmash Queen’ Yaya Dub (Maine Mendoza) ay ang aktres na si Arci Muñoz ang kinuha ng Barangay Ginebra bilang muse sa makulay na opening ceremonies ng 41st season ng Philippine Basketball Association bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Matatandaang hiniling ng mga fans ng Gin Kings na kunin ng Ginebra si Yaya Dub dahil sa pagiging Youtube sensation nito bukod pa sa araw-araw na napapanood sa ‘Kalyeserye’ ng Eat Bulaga.

Samantala, dalawang volleyball stars naman ang sasalang sa parada.

Ito ay sina Ateneo Lady Eagles’ ace Alyssa Valdez ng Talk ‘N Text at Fil-American Alexa Micek, naglalaro sa PSL Super Liga para sa Petron Blaze Spikers, ng San Miguel.

Ang iba pang tatayong muse ay sina Kris Aquino (Star), ang asawa ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao na si Jinkee (Mahindra), Max Collins (Blackwater), Karylle (Globalport), Eula Caballero (Meralco). Jessica Helterbrand (Barako Bull), MJ Lastimosa (NLEX), Julee Anne Bourgoin (Rain or Shine) at  ang magkakapatid na sina Tara, Samantha at Franchezka Borlain sa Alaska.

ACIRC

ALYSSA VALDEZ

ARCI MU

ATENEO LADY EAGLES

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

DUBSMASH QUEEN

EAT BULAGA

EULA CABALLERO

SMART ARANETA COLISEUM

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with