^

PSN Palaro

Chiz sa PSC: 2019 SEAG hosting dapat samantalahin

Pilipino Star Ngayon

Palakasin ang tsansa ng atleta sa 2020 Tokyo Olympics 

MANILA, Philippines – Hinikayat kahapon ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero ang Philippine Sports Commission (PSC) na samantalahin ang pagkakataong ang bansa ang hahawak sa 30th Southeast Asian Games sa 2019 para palakasin ang tsansa ng mga atletang makapaglaro at manalo ng medalya sa Tokyo Olympics sa 2020.

“We should start planning now,’ wika ni Escudero. “Stakeholders have done their parts for next year’s Olympics in Rio de Janeiro. It’s now up to the athletes and the national sports associations to make it to the 2016 Games.”

“But we have time to prepare for 2019 and 2020. It’s no longer a long-term program but it could be our chance to win medals in the Summer Games--hopefully a gold medal or two. Why not dream and chase.

Nakuha ng Pilipinas ang hosting rights ng 2019 SEAG nang umatras ang Brunei dahil sa kakulangan ng pasilidad na pagdarausan ng mga events.

Ang Pilipinas ang na­mahala sa SEAG noong 1981, 1991 at 2005 ang taon kung kailan nakamit ng bansa ang overall championship.

Idinagdag ni Escudero na maaaring tumuklas ng mga bagong atleta ang mga NSAs sa pamamagitan ng pagbibigay ng fo­reign exposures at pagkuha ng mga mahuhusay na coaches.

Sa kasalukuyan si Filipino-American Eric Shaun Cray pa lamang ang nakatiyak ng tiket sa Rio Games.

ACIRC

ANG

ANG PILIPINAS

BRUNEI

FILIPINO-AMERICAN ERIC SHAUN CRAY

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RIO GAMES

SENATOR FRANCIS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SUMMER GAMES

TOKYO OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with