MVP may iiwanang legacy sa SBP
MANILA, Philippines - Ang pagtaas ng posisyon ng Pilipinas sa FIBA world ranking ang pinakamalaking legacy na maiiwan ni Manny V. Pangilinan sa kanyang pagbaba bilang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Enero.
Mula sa labas ng Top 50 sa men’s ranking ay No. 28 ang Gilas sa pamamahala ni Pangilinan sa SBP.
Ito ay base sa resulta ng nakaraang FIBA zonal Olympic qualifiers kung saan nakamit din ng Pilipinas ang No. 3 ranking sa Asia sa likod ng China at Iran.
Nilampasan ng Pilipinas ang Korea at Jordan makaraan ang ikalawang sunod nitong runner-up finish sa FIBA Asia Championship.
Nanatili naman ang Jordan sa No. 29, habang nasa No. 30 ang South Korea mula sa No. 28.
Sa women’s ranking ay umakyat naman ang Pilipinas kasama ang Egypt sa No. 49 matapos makawala sa Level II para maglaro sa Level I sa FIBA Asia Championship.
Ang pag-angat ng Team Phl sa international competition ay isa sa mga naging pinakamalaking nagawa ng national cage federation sa ilalim ni Pangilinan.
Binanggit naman ni SBP vice chairman Ricky Vargas ang pagkakabilang ni Pangilinan sa FIBA Central Board.
- Latest