Ravena pinalakas ang tsansa sa back-2-back MVP
MANILA, Philippines - Sa likod ng kanyang impresibong mga numero sa scoring, assists at steals ay pinangunahan ni team captain Kiefer Ravena ng Ateneo ang labanan para sa MVP award ng 78th UAAP men’s basketball tournament.
Matapos ang first round ay kumubra si Ravena ng 70.8571 statistical points (SPs) mula sa kanyang mga numero sa major stats departments para palakasin ang tsansa niya sa ikalawang sunod na UAAP MVP award.
Namuno siya sa assists sa kanyang average na 5.0 at pumangalawa sa scoring (18.3) at sa steals (1.7) sa paggiya sa Blue Eagles sa 4-3 kartada.
Nasa ilalim ni Ravena sina Kevin Ferrer (68.2857) at Ed Daquioag (65.000) ng UST, import Alfred Aroga (61.1429) ng nagdedepensang NU at La Salle star Jeron Teng (60.1429).
Ang iba pang nasa Top 10 ay sina Mac Belo (57.8527) at Mike Tolomia (55.8571) ng Far Eastern University, Karim Abdul (53.000) ng UST, Raymar Jose (52.000) ng FEU at Bonbon Batiller (51.4286) ng University of the East.
Kumamada si Ferrer, dating juniors MVP, ng mga averages na 17.9 markers (third overall), 8.1 boards (No. 6) at 1.7 assists para makatulong si Daquioag sa paghatid sa Tigers sa 6-1 baraha.
- Latest