^

PSN Palaro

Kia sasabak na rin sa Shakey’s Reinforced Conference

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mula sa professional basketball ay sasali na rin ang Kia sa volleyball tournament.

Si Oliver Almandro, ang national at Ateneo men’s team coach ang gigiya sa Kia na tatampukan ng mga dating players ng Cagayan Valley Rising Suns squad sa pangu­nguna nina Angeli Tabaquero, Chie Saet, Wenneth Eulalio at Fil-Am Alexa Micek.

Sasakyan ng Shakey’s V-League ang matagumpay na pagdaraos ng katatapos na Collegiate Conference sa pagtatakda ng season-ending Reinforced Conference sa Sabado.

Bukod sa Kia, ang iba pang bumubuo sa six-squad conference ay ang Open Con­ference champion na PLDT, ang 2014 Reinforced Conference runner up na Ar­my, University of the Philippines, Navy at Coast Guard.

Hindi naman lalahok ang Cagayan Valley, ang 2014 third conference titlist.

Ipaparada ng PLDT sina Collegiate Conference MVP Alyssa Valdez, 2014 MVP Aiza-Maizo Pontillas, NCAA MVP Gretchel Soltones, Jannine Marciano at sina top-notch setters Rubie de Leon at Jem Ferrer.

Ibabandera naman ng Army sina Rachel Ann Daquis, Jovelyn Gonzaga, Aby Ma­raño, MJ Balse, Nerissa Bautista at setter Tina Salak.

Winalis ng Cagayan Valley Rising Suns ang Lady Troopers, kumuha ng dalawang Open titles, sa nakaraang championship series at tinalo ng PLDT Home Ultera sa Open Conference finals.

Dahil sa naturang mga kabiguan sa finals ay inaasahang mas lalong magiging de­terminado ang Army, itatampok din sina Patricia Siatan-Torres, Joanne Buñag, Ge­nie Sabas, Remy Joy Palma, Angela Nunag, Honey Royse Tubino, Christine Agno at Sarah Jane Gonzales, ni coach Emil Reyes na kunin ang korona ngayong season.

ABY MA

ACIRC

AIZA-MAIZO PONTILLAS

ALYSSA VALDEZ

ANG

ANGELA NUNAG

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

COLLEGIATE CONFERENCE

KIA

REINFORCED CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with