San Beda wagi sa Letran
MANILA, Philippines – Suwerte ang hatid ng numerong 13 para sa San Beda Red Lions dahil hindi lamang nagawa nilang ipasok ang sarili sa Final Four kundi inangkin na rin ang ‘twice-to-beat’ advantage sa 77-73 panalo laban sa Letran Knights sa 91st NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Binigyan ni AC Soberano ang Red Lions ng malaking tulong mula sa bench sa first half upang tapusin ang 18-game elimination bitbit ang 13-5 baraha.
Lamang pa ng 15 puntos ang 5-time defending champions, 74-59, nang makadikit ang Knights sa 73-77 sa 23.8 segundo sa orasan.
Nakakuha ng break ang Knights dahil natawagan ng 24-seconds violation ang Red Lions pero mintis ang mahalagang tangkang triple ni Cruz.
Kailangan ng Knights (12-5) na manalo sa Perpetual Help Altas sa Biyernes para makuha ang ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ bonus sa Final Four.
Nakahirit naman ng playoff ang Arellano Chiefs sa sinungkit na 12 panalo matapos ang 18 laro sa pamamagitan ng 98-90 tagumpay sa Emiliio Aguinaldo College Generals, habang kinuha ng Mapua Cardinals ang 77-72 panalo sa St. Benilde Blazers para manatiling buhay ang paghahabol ng playoff . (AT)
- Latest