De La Hoya gustong ikasa si Matthysse kay Pacquiao
MANILA, Philippines - Kung mananalo si Lucas Matthysse sa kanyang laban sa Oktubre 3 ay maaaring lumakas ang tsansa niyang sagupain si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa susunod na taon.
Kaya naman ngayon pa lamang ay nasasabik na si Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions na makipag-usap kay Bob Arum ng Top Rank promotions para sa posibleng Pacquiao-Matthysse fight sa 2016.
“There is a guy who manages Manny Pacquiao, and I am already in conversations with this gentleman to make a fight between Pacquiao and Matthysse,” pagtukoy ni De La Hoya kay Arum.
Natalo si Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr. via 12-round unanimous decision sa kanilang super fight noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Nakatakdang labanan ni Matthysse (37-34-3, 34 KOs) ng Argentina si Victor Postol (27-0-0, 11 KOs) ng Ukraine para sa bakanteng WBC light welterweight title sa Oktubre 3 sa StubHub Center sa Carson, California.
“I am about to face the strongest, most heavy handed fighter I have ever met in the ring. That is the reason I am at the Wild Card Gym with Freddie Roach,” sabi ni Postol.
- Latest