Hong Kong tambak sa Gilas
Laro Ngayon
4:45 p.m.
Philippines vs Kuwait
CHANGSHA – Mula sa kanilang nakakadismayang kabiguan sa seven-man Palestine team noong Miyerkules ay bumangon ang Gilas Pilipinas nang ilampaso ang Hong Kong, 101-50, sa Day Two ng 2015 FIBA Asia Championship kahapon dito sa Changsha Social Work College Gymnasium.
Naging solido ang Nationals sa loob ng 40 minuto para dominahin ang tropa ng Hong Kong at itala ang 1-1 record sa Group B.
“Lots of good things come from effort. Lots of bad things come from lack of effort. There was a good effort today, and the result speaks for themselves,” sabi ni coach Tab Baldwin.
Nauna nang tinalo ng Hong Kong ang Kuwait, 87-50, sa Day One ng Asian qualifier para sa 2016 Rio Olympics.
Nagsalpak si guard Jayson Castro ng 5-of-6 shooting at tumapos na may game-high na 21 points.
“We only did two things different from Wednesday. We just hit shots and had some rebounds. We hit our shots. We played with much more heart and that’s why get the easy win,” sabi ni naturalized player Andray Blatche, kumolekta ng 17 points, 8 rebounds, 2 steals, 1 assist at 1 block sa loob ng 18 minuto sa sahig.
Nagtala naman sina gunners Dondon Hontiveros at Terrence Romeo ng pinagsamang siyam na triples para sa kanilang 25 points, habang nagdagdag si Ranidel de Ocampo ng 10 markers at 8 rebounds.
Nagtala ang Nationals ng 14-of-34 shooting sa three-point line at humakot ng 62 rebounds kumpara sa 38 ng Hong Kong.
Philippines 101 – Castro 21, Blatche 17, Hontiveros 14, Romeo 11, De Ocampo 10, Abueva 8, Ganuelas 7, Intal 5, Thoss 4, Taulava 2, Pingris 2, Norwood 0.
Hong Kong 50 – Chan 13, Reid 11, Wong 7, Xu 6, Au-Yeung 5, Lin 5,
Cheng 2, Leung 1, So 0, Lau 0, Szeto 0, Lee 0.
Quarterscores: 28-15, 51-22, 83-38, 101-50.
- Latest