^

PSN Palaro

Pagkukumpuni sa RMSC tuloy na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kasado na ang renobasyon sa ibang pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex ngayong nasa ala­nganin ang usaping pagpapatayo ng ma­kabagong pasilidad sa sports sa Clark, Pampanga.

Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, hindi sila puwedeng maghintay na lamang ng mahabang panahon bago kumilos dahil ang mga atleta ay nangangailangan din ng pasilidad para mapagsanayan.

Tinuran ni Garcia ang Ninoy Aquino Stadium na bubuhayin uli at ang pagkukumpuni sa bowling center na hindi na nagagamit ngayon.

“Ang plano sa Ninoy Stadium ay maglagay ng flooring na puwedeng tanggalin para hindi masira kung magkakaroon ng pagbaha. Ang bowling center ay itaas natin para hindi abutin ng tubig at daragdagan pa natin ng isang floor dahil plano rito ang maglagay ng air pistol o air rifle shooting range,” wika ni Garcia.

Sa ngayon ay natapos na ang paglalagay ng bubong sa center court ng tennis center para magamit ito kahit may pag-ulan.

Naunang nagplano ang PSC kasama ang POC ng magpatayo ng training center sa Clark pero naudlot ito at natigil ang usapan nang hindi nagkasundo sa babayarang upa sa lupa para sa 50-ektaryang lupain na siyang pagtatayuan sana ng training center. (AT)

ACIRC

ANG

AYON

CENTER

GARCIA

KASADO

NAUNANG

NINOY AQUINO STADIUM

NINOY STADIUM

RICARDO GARCIA

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with