^

PSN Palaro

Ilang imports nasa bansa na para sa PSL Grand Prix

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa ang ilang imports na mag­lalaro sa 2015 Philippine SuperLiga Grand Prix na mag­sisimula na sa Oktubre 10 sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Sina Brazilian imports Erica Adachi at Rupia Inck ang nangunguna sa mga maagang dumating para sa nagdedepensang kampeon Petron dahil nakasama sila ng koponan na tumapos sa ikawalong puwesto sa AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Vietnam.

Nasa bansa na at nag-eensayo si Ariel Usher ng Cignal bukod pa kina Liis Kullerkann at Christina Alessi ng Meralco.

Isang 6’1 si Usher na dating pambato ng University of Portland at makakapareha niya ang isa pang  US player na si Amanda Anderson.

Sina Kullerkann at Alessi ay pinarating agad para magkaroon ng sapat na oras na magamayan ang istilo ni coach Ramil de Jesus na maghahangad na wakasan ang tatlong sunod na pangalawang puwestong pagtatapos sa liga.

Matikas ang line-up ng Meralco dahil makakasama nina Cha Cruz at Stephanie Mercado ang mga kasapi ng La Salle Lady Archers tulad nina Mika Reyes at Kim Fajardo.

Ang mga darating pa lamang na mga reinforcements ay sina Bojana Todorovic at  Alexis Olgard ng Philips Gold, Katie Messing at Lindsay Stalzer ng Foton at Lynda Morales at Sarah McClinton ng RC Cola-Air Force.

ACIRC

ALEXIS OLGARD

ALONTE SPORTS ARENA

AMANDA ANDERSON

ANG

ARIEL USHER

ASIAN WOMEN

BOJANA TODOROVIC

CHA CRUZ

CHRISTINA ALESSI

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with