Quizon, Borromeo nagdomina sa Shell chessfest
MANILA, Philippines – Umiskor ng panalo sina Daniel Quizon at Genesis Borromeo at inangkin naman ni veteran campaigner McDominique Lagula ang seniors title sa 2015 Shell National Youth Active Chess Championship national finals sa SM Megamall noong Linggo.
Sa kanilang unang grand finals appearances, inangkin nina Quizon at Borromeo ang kiddies at juniors titles, ayon sa pagkakasunod.
Dinomina ng San Juan Elementary School standout na si Quizon ang 12-and-under division sa kanyang 8.0 points para sa 1.5-point victory laban kina Mark Bacojo at Adrian de Luna.
Tinalo naman ni Borromeo sina Ahmad Azote at Laila Nadera sa nine-round Swiss system tournament.
Nagtapos ang Dias College mainstay mula sa Panay, ang lowest ranked player sa 16-player field, katabla si top seed Dale Bernardo ng Far Eastern University sa magkatulad nilang 6.5 points.
Ngunit nakuha ni Borromeo ang 13-16 crown dahil sa superior tiebreak score.
Umiskor naman si Lagula ng 2.5 points sa huling tatlong rounds para makatabla si National University bet Vince Medina sa 6.5 points.
Subalit nasikwat ng San Beda College bet ang 17-20 crown bunga ng superior tiebreak score.
- Latest