^

PSN Palaro

Eagles ‘di bumigay

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Dumaan sa 2 OT bago natakasan ang Bulldogs

Laro sa Sabado (Mall of Asia Arena)

2 p.m.  Ateneo vs UE

4 p.m.  NU vs UST

MANILA, Philippines – Bunga ng labis na ka­paguran ay napaluhod na lamang si 2014 UAAP Most Valuable Player Kiefer Ravena sa sahig matapos tumunog ang final buzzer.

Humataw si Ravena ng 21 points para tulungan ang Ateneo na talunin ang nagdedepensang National University via double overtime, 74-70 sa 78th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Blue Eagles kasabay ng pagpa­palasap sa Bulldogs ng pangatlong dikit nitong kamalasan.

“What can I say? It was a grind,” sambit ni coach Bo Perasol.

Matapos ang dalawang free throws ni Gelo Alolino na nagbigay sa NU ng 57-54 abante sa huling 16.7 segundo sa fourth quarter ay nagsalpak naman si Ravena ng isang three-point shot para itabla ang Blue Eagles sa 57-57 patungo sa unang overtime.

Muling inihatid ni Ra­vena sa ikalawang extension period ang Ateneo nang kumonekta ng isang drive sa natitirang 5.7 segundo para muling makatabla sa NU, 62-62.

Huling nagbanta ang Bulldogs sa 70-72 buhat sa basket ni Mohammad Al-Yusouf Salim sa nala­labing 7.2 segundo bago selyuhan ni Ravena ang panalo ng Blue Eagles sa kanyang salaksak sa hu­ling limang segundo.

Sa unang laro, umiskor si Bonbon Batiller ng game-high na 23 points para muling pangunahan ang University of the East sa 89-78 paggiba sa Adamson University.

UE 89 – Batiller 23, P. Varila 14, Derige 12, Charcos 9, Yu 8, Javier 6, De Leon 6, Palma 6, Abanto 2, Gonzales 2, Manalang 1, Sta. Ana 0.

Adamson 78 – Tungcab 16, Capote 15, Nalos 14, Ng 11, Villanueva 8, Sarr 6, Ochea 4, Polican 2, Garcia 2, Escalambre 0, Bernardo 0.

Quarterscores: 20-26; 44-41; 63-57; 89-78.

AdMU 74 – Ravena 21 Ikeh 14, Pingoy 9, Pessumal 8, Apacible 6, A. Tolentino 6, Gotladera 4, Babilonia 2, Cani 2, Ma. Nieto 2, Black 0, Mi. Nie­to 0, M. Tolentino 0, Wong 0.

NU 70 – Alolino 19, Aroga 14, Neypes 11, Celda 6, Abatayo 5, Javelona 5, Tansingco 4, Alejandro 2, Diputado 2, Salim 2, Javillonar 0, Lastimosa 0, Rangel 0.

Quarterscores: 13-11, 27-24, 42-43, 57-57, 62-62, 74-70.

ACIRC

ADAMSON UNIVERSITY

ANG

ATENEO

BLUE EAGLES

BO PERASOL

BONBON BATILLER

DE LEON

GELO ALOLINO

RAVENA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with