^

PSN Palaro

Blaze Spikers niyanig ang Iran

Pilipino Star Ngayon

PHU LY, Vietnam – Nagpakita ang mas malakas at mas preparadong Petron matapos gibain ang Islamic Azad University ng Iran, 25-8, 25-16, 25-23 sa 2015 AVC Asian Women's Club Volleyball Championship noong Lunes sa Ha Nam Competition Hall.

Tinapos ng Blaze Spikers ang mga Iranians sa loob ng isang oras at 12 minuto para makapasok sa win column ng torneong nagsisilbing qualifier para sa FIVB World Women's Club Championship sa susunod na taon.

Nakipagtulungan si Brazilian reinforcement Rupia Inck Furtado kay Dindin Manabat sa scoring at blocking ng Petron sa paggupo sa Iran, nagdomina sa Iranian Super League.

Bumangon si Furtado mula sa malamya niyang inilaro sa kabiguan ng Blaze Spikers laban sa 4.25 Sports Club ng North Korea sa una nilang laro.

Nagtala si Furtado ng 11 points mula sa kanyang 6 kills, 4 blocks at 1 ace, habang kumamada si Manabat ng 10 kills at 5 blocks para sa kanyang 15 points.

Nakatakdang labanan ng Blaze Spikers ang Hisa­mitsu Seikayu Springs ng Japan, isang elite squad na nanalo ng Asian crown sa nakaraang dalawang taon.

ASIAN WOMEN

BLAZE SPIKERS

CLUB CHAMPIONSHIP

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

DINDIN MANABAT

FURTADO

HA NAM COMPETITION HALL

IRANIAN SUPER LEAGUE

ISLAMIC AZAD UNIVERSITY

NORTH KOREA

PETRON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with