^

PSN Palaro

Cell phone nilaro na lang Pacquiao inantok sa laban ni Mayweather

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Habang ipinangalandakan ni Floyd Mayweather Jr. na ang kanyang panalo kay Andre Berto ay ang farewell fight niya, ginamit naman ni Manny Pacquiao ang social media para buskahin ang undefeated American fighter.

Sa kanyang Instagram account ay nagposte si Pacquiao ng isang short video kung saan ipinakita ang paglalaro niya ng piano app sa kanyang cell phone.

Ang nakalagay na caption ay: “What I do when I’m bored. Hehe.”

Kagaya ng dapat asahan ay dinomina ni Mayweather si Berto para pantayan ang 49-0 win-loss record ni heavyweight legend Rocky Marciano, nagretiro noong 1962.

Sinabi ng 38-anyos na si Mayweather na hindi na niya papangarapin na iposte ang kanyang ika-50 panalo para lampasan ang kartada ni Marciano.

Bago ang naturang panalo kay Berto ay nalagay sa kontrobersya si Mayweather (49-0-0, 26 KOs) dahil sa pagpapaturok niya ng dalawang saline at multivitamins at Vitamin C na katumbas ng 16 porsiyentong dami ng dugo sa isang normal na lalaki para labanan ang dehydration isang araw matapos ang weigh-in nila ni Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) noong Mayo 2.

Ang nasabing mixture ay hindi banned, ngunit ang paraan ng pagtuturok nito ay ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency dahil maaari nitong takpan ang anumang illegal substances sa dugo ng isang atleta.

Nakakuha si Mayweather ng therapeutic use exemption (TUE) mula sa U.S. Anti-Doping Agency para sa kanyang IV treatment na kanyang hiniling noong Mayo 19.

Ipinagbigay-alam naman ito ng USADA kina Bob Arum ng Top Rank Promotions at sa Nevada State Athletic Commission noong Mayo 21 isang araw matapos nila itong aprubahan.

 

ANDRE BERTO

ANG

ANTI-DOPING AGENCY

BERTO

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER JR.

MAYWEATHER

NEVADA STATE ATHLETIC COMMISSION

PACQUIAO

ROCKY MARCIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with