^

PSN Palaro

Ubas kampeon sa decathlon sa Thai Open

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nagpahuli si Junry Ubas paghahatid ng kara­ngalan sa Pilipinas sa 2015 Thailand Open Track And Field Invitational nang manalo siya ng ginto sa de­cathlon na ginawa sa Bangkok.

Matapos ang sampung events ay nakakuha si Ubas ng 6,196 puntos para mangibabaw sa dalawang Thai decathletes na may malayong 5,533 at 5,143 puntos.

Ang gintong medalya ay magandang panundot matapos maghatid ng bronze medal sa idinaos na Singapore SEA Games noong Hunyo tangan ang 6,796 puntos.

Ito na ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas sa Thai Open matapos ang tagumpay ni Ernest John  Obiena sa pole vault gamit ang bagong national record na 5.40m.

Ang ikatlo at huling atleta na isinali ng PATAFA na si Ryan Bigyan sa 400m run ay hindi pinalad na manalo ng medalya nang maorasan lamang ng 49.29 segundo para sa ikapitong puwesto sa walong nagtagisan.

Tatlo lamang ang naisali ng PATAFA sa kompetisyon dahil ang ibang kasapi ng national pool ay bumalik sa kanilang mother units sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ERNEST JOHN

HUNYO

ITO

JUNRY UBAS

PILIPINAS

RYAN BIGYAN

THAI OPEN

THAILAND OPEN TRACK AND FIELD INVITATIONAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with