Arellano bumandera sa seniors’ chess
MANILA, Philippines - Pinatumba ng nagdedepensang Arellano University ang Perpetual Help, 3.5-.5, para pagharian ang first round ng seniors’ chess competition ng 91st NCAA season sa Philippine Sports Commission’s Administration Building sa Manila.
Isinulong nina Kyz Llantada, Don Tyrone delos Santos at Michael Miguel Penero ang mga panalo sa boards one, three at four, habang nakipag-draw naman si Carlo Caranyagan kay Carl Mico Villanueva sa board two para sa 26.5 points ng Chiefs.
Tinalo naman ng San Beda ang Emilio Aguinaldo College mula sa mga panalo nina National Master Alcon John Datu, Bryan Barcelon, Renato Cruz, Jr. at Christian David Luchina para pumangalawa sa kanilang 26 points.
Sa juniors’ side, tinalo ng San Beda ang EAC, 4-0, para pamahalaan ang first round sa kanilang 28.5, 1.5 points.
- Latest