^

PSN Palaro

Wagi sa Maldives sa friendly games Azkals pinalakas ang depensa sa pagharap sa Uzbeks

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi mangangapa ang Azkals sa pagharap nila sa Uzbekistan sa Lunes sa Philippine Stadium sa Bocaue, Bulacan.

Ayon sa kanilang manager na si Dan Palami, masu-­­ sing pinag-aaralan ng national football team ang istilo ng Uzbekistan nang hinarap ang North Korea gamit ang tape ng labanan.

Nagwagi ang Koreans, 4-2, para makasalo ang Pilipinas sa 2-0 karta sa idinadaos na 2018 World Cup qualifiers.

“They should be focused and disciplined and utilize strong defense,” wika ni Palami.

Noong Huwebes ng gabi ay sumalang sa tune-up game ang Azkals sa bisitang Maldives sa Rizal Memorial Football Field at tinalo nila ito sa 2-0 iskor.

Masaya si coach Thomas Dooley sa nakikita sa mga bataan niya mula sa kanilang pagsasanay hanggang sa isinagawang friendly game.

“They have been working hard and playing great football. We have a great team where everybody works for everybody,” pahayag ni Dooley.

Alam naman ni Dooley na iba ang lebel ng Uzbekistan na nakakalaro sa AFC Asian Cup.  Ang world ranking nito ay nasa 76th spot habang ang Pilipinas ay nasa 125th.

“The Uzbeks have international experience and technically good and  have members who played in Asian and Russian leagues. For us to have a chance, we should not allow them to score first. If that happens, it would be difficult for us to recover,” dagdag ni Dooley.

Isa sa sasandalan ng Azkals ay ang hinahangad na suporta ng mga manonood para tumaas pa ang kanilang kumpiyansa.

Ito na ang ikalawang home game ng Azkals sa kompetisyon at nais nilang matulad ang Uzbeks sa sinapit ng Bahrain na kanilang tinalo, 2-1. Ang pangalawang panalo ay nakuha ng Azkals laban sa Yemen, 2-0.

Patuloy ang pagbebenta ng tiket para sa laro at ang mga presyo ay P531.80 para sa  Zone 1, P331.14 sa Zone 2 at P125.40 sa Zone 3.

ACIRC

ANG

ASIAN AND RUSSIAN

ASIAN CUP

AZKALS

DAN PALAMI

NOONG HUWEBES

NORTH KOREA

PHILIPPINE STADIUM

PILIPINAS

UZBEKISTAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with