^

PSN Palaro

Archers, Generals unahang pumuwesto sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Paglalabanan ng La Salle Archers at Emilio Aguinaldo College Gene­rals ang isang upuan sa semifinals habang iiwas din ang NCBA Wildcats na mameligro ang hangaring magpatuloy ang laban sa Spikers’ Turf Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang Archers, Gene­rals at Wildcats ay magkakasama sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto sa 3-3 karta at may posibilidad na magkaroon ng playoff para sa huling upuan sa semis.

Sa ganap na ala-1 ng hapon magtutuos ang La Salle at NCAA champion EAC at ang mananalo ay makakasama na ng Ateneo  at NU Bulldogs.

Ang matatalo ay kaila­ngang manalangin na matalo ang Wildcats sa talsik ng UP Maroons sa huling laro sa alas-3 ng hapon.

Kung magwagi ang NCBA, sila na ang kukum­pleto sa apat na koponan na maglalaban sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Ngunit kung masilat ng Maroons ang Wildcats ay magkakaroon ng sudden-death ang NCBA at ang matatalo sa unang laro.

Nanalo sa pamamagitan ng straight sets ang EAC sa UP sa huling laro na nangyari noon pang Agosto 24 at malalaman kung may epekto ito sa ipa­kikita sa mahalagang laro laban sa La Salle.

ACIRC

AGOSTO

ANG

ANG ARCHERS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENE

HOME ULTERA

LA SALLE

LA SALLE ARCHERS

SAN JUAN CITY

SPORTS VISION

TURF COLLEGIATE CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with