^

PSN Palaro

Ateneo, NU patatagan sa itaas sa Spikers’ Turf

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakapuwesto man sa semifinals ay tiyak na magiging maaksyon pa rin ang pagkikita ng Ateneo at NU sa Spikers’ Turf Collegiate Conference quarterfinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

May magkatulad na 6-0 karta ang Eagles at Bulldogs para makapuwesto na sa susunod na round pero mahalaga pa rin ang makukuhang panalo dahil ang tatanghaling number one matapos ang yugtong ito ang siyang makakalaban ng number four team sa Final Four.

Dakong alas-3 ng ha­pon magsisimula ang tagisan ng mga koponang naglaban sa UAAP title noong nakaraang taon matapos ang pagtutuos ng FEU Tamaraws at St. Benilde Blazers sa ala-1.

May 1-5 karta ang Ta-maraws, Blazers at UP Maroons na pawang talsik na sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Namamayagpag ang UAAP champion Eagles sa liga matapos pangunahan ang Best Spikers, Best Servers at Best Receivers.

Magdadala ng laban sa Eagles ang UAAP MVP na si Marck Jesus Espejo na number five sa scoring sa 126 puntos at siyang nasa unang puwesto sa Best Spikers category.

Sa kabilang banda, kakapit ang Bulldogs sa lakas sa blocking sa pagtu­tulungan nina Madzlan Gampong, Bryan Bagunas at Ysrael Wilson Marasigan na nagsanib sa 43 blocks sa torneo.

ACIRC

ANG

BEST RECEIVERS

BEST SERVERS

BEST SPIKERS

BRYAN BAGUNAS

FINAL FOUR

HOME ULTERA

MADZLAN GAMPONG

MARCK JESUS ESPEJO

SAN JUAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
21 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with