^

PSN Palaro

Lady Bulldogs pasok na sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  Arellano vs St. Benilde

3 p.m.  UST vs FEU

MANILA, Philippines – Inangkin  na ng National University Lady Bulldogs ang ikalawang puwesto sa semifinals sa 25-22, 25-23, 25-11, panalo sa UST Tigresses sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference quarterfinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Alam ang kahalagahan ng makukuhang panalo, humugot ng solidong laro ang NU sa mga inaasahan na sina Dindin Manabat, Myla Pablo, Jaja Santiago at Jorelle Singh para itaas ang win-loss record sa 5-1 baraha.

Nagsanib sina Manabat at Pablo sa 18 kills habang ang magkapatid na sina Manabat at Santiago ay may pinagsaluhang anim na blocks para hawakan ng Lady Bulldogs ang 37-24 at 9-2 kalamangan sa attack at block points.

Dahil nahirapang pu­muntos,  ang walong puntos ni Carmela Tunay ang siyang pinakamataas na puntos na nakuha ng Tigresses sa kanilang manlalaro para makatabla ang FEU Tamaraws sa 4-2 baraha.

Ang pangyayari ay nagresulta upang mabuhay pa ang paghahabol ng Arellano Lady Chiefs ng playoff sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Kailangan ng Arellano na manalo sa St. Benilde Blazers sa Setyembre 5 para okupahan ang playoff spot laban sa matatalo sa pagitan ng UST at FEU na siyang pangalawang laro sa darating na Sabado.

Naipakita rin ng UP Lady Maroons ang galing nang kunin ang unang panalo sa yugto sa pamamagitan ng 18-25, 25-16, 25-19, 25-19, panalo sa Lady Blazers.

May 18 kills tungo sa 20 puntos si Justine Dorog habang sina Isabel Molde, Diana Mae Carlos at Ma­rian Alisa Buitre ay may 14, 12 at 11 puntos para itulak ang St. Benilde sa 0-6 baraha. 

ACIRC

ALISA BUITRE

ANG

ARELLANO

ARELLANO LADY CHIEFS

CARMELA TUNAY

COLLEGIATE CONFERENCE

DIANA MAE CARLOS

DINDIN MANABAT

SAN JUAN CITY

ST. BENILDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with