^

PSN Palaro

3 Pinoy boxers puntirya ang quarters

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

BANGKOK – Sa isang bahagi ng multi-level par­king lot ng kanilang hotel ay nagpapawis ang mga Filipino boxers bilang paghahanda sa round-of-16 ng ASBC Asian Bo­xing Championships.

Nagpapawis sina light-fly Rogen Ladon, bantamweight Mario Fernandez at welterweight Eumir Felix Marcial para sa kanilang krusyal na mga laban ngayon dito sa Thammasat University Gymnasium.

Madedetermina sa round-of-16 kung makakapasok ang mga Filipino boxers sa World Cham­pionships sa Qatar sa Oktubre.

Lalabanan ni Ladon si Rakhmankul Avatov ng Kyrgysztan para sa unang laban sa pag-aagawang tiket sa Doha meet na naka­takda sa Oct. 5-15.

Haharapin naman ni Fernandez, ang back-to-back gold medalist sa SEA Games, si top seed Kairat Yeraliyev ng Kazakhstan, habang makakabangga ni Marcial, ang reigning SEA Games champion, si se­cond seed Israil Madrimov ng Uzbekistan.

Ito ang ikalawang pagtatagpo nina Fernandez at Yeraliyev matapos noong 2013 sa Jordan kung saan nanalo si Yeraliyev.

Sasagupain naman ni lightweight Charly Suarez si Kazakhstan bet Zakir Safiullin.

Ang panalo ni Suarez, ang No. 2 seed sa 60 kg class, ang magpapasok sa kanya sa quarterfinals at maglalapit sa isang silya sa World Championships.

Haharapin naman sa Lunes ni flyweight Ian Clark Bautista, isang gold meda­list sa SEA Games, si Trong Tai Bui ng Vietnam.

ACIRC

ANG

ASIAN BO

CHARLY SUAREZ

EUMIR FELIX MARCIAL

FERNANDEZ

HAHARAPIN

IAN CLARK BAUTISTA

ISRAIL MADRIMOV

KAIRAT YERALIYEV

KAZAKHSTAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
22 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with