^

PSN Palaro

Karanasan gagamitin ni Nietes vs Alejo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makakatapat ni Donnie Nietes ang matibay na Mexicano na si Juan Alejo sa kanyang unang laban sa US na gagawin sa StubHub Center sa Carson, California sa Oktubre 17.

Hindi pa natatalo sa halos 12 taon, itataya ni Nietes ang hawak niyang WBO light flyweight title kontra kay  Alejo na wala pang talo sa huling anim na taon.

“It should be a good fight for Donnie because Alejo is ranked seventh or eighth by the WBO. He hasn’t lost in six years,” wika ni ALA Promotions president Michael Aldeguer.

Natalo si Alejo sa kanyang unang tatlong laban, dalawa rito ay sa pamamagitan ng knockouts.

Ngunit ang huling talo niya ay nangyari noon pang Dis­yembre, 2009 at rumatsada siya ng 21 sunod na panalo.

Impresibo man ang fight record ay angat naman sa karanasan si Nietes na mayroong 36 panalo sa 41 laban.

Ito rin ang unang pagkakataon na lalabas ng Mexico si Alejo at unang laban matapos ang 10-round split decision panalo kay Jose Rivas noong Mayo 27.

Ito ang unang fight card sa US ng ALA at tataguriang Pinoy Pride: Filipinos Contra Latinos.

Sina Albert Pagara at Mark Magsayo ang mga stablemates ni Nietes na posibleng masama sa bakbakan.

ALEJO

ANG

DONNIE NIETES

FILIPINOS CONTRA LATINOS

ITO

JOSE RIVAS

JUAN ALEJO

MARK MAGSAYO

MICHAEL ALDEGUER

NIETES

PINOY PRIDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with