^

PSN Palaro

Sumang pumirma na sa Globalport

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinuring siyang potential na first round pick sa nakaraang 2015 PBA Rookie Draft noong Linggo.

Ngunit walang PBA teams ang kumuha kay high-scoring guard Roi Sumang sa first at second round bago siya hinugot ng Globalport sa third round bilang No. 28 overall pick.

Isang two-year contract ang pinirmahan ng dating kamador ng University of the East Red Warriors para maglaro sa Batang Pier nina team owner Mikee Romeo at coach Pido Jarencio.

“Siguro may nakita silang (ibang teams) na mas gusto nilang players. Kami naman, talagang nag-aabang lang,” sabi ni Jarencio sa pagpili nila sa 5-foot-8 na si Sumang, isang UAAP Mythical Five member.

Ipaparada rin ng Globalport sa darating na PBA sea­son sina 2015 Rookie of the Year awardee Stanley Pringle, Gilas Pilipinas hopeful Terrence Romeo at mga bagong hugot na sina Joseph Yeo, Jervy Cruz at Jay Washington.

Samantala, tinapos naman ni Rain or Shine point guard TY Tang ang kanyang seven-year PBA career para tutukan ang kanyang business career.

“The most important of them all are the people who have criticized me, challenged me, hated me- I have a lot to thank you for. To those who I have met, who did follow my humble beginnings, who believed in my capabilities, who put me up when I was down - I owe everything to you!” sabi ng 30-anyos na si Tang sa kanyang Instagram.

Naglaro si Tang para sa Xavier School sa high school at para sa De La Salle Green Archers sa UAAP.

Nauna nang napaulat na plano ni guard Chris Tiu na magretiro sa paglalaro sa PBA.

BATANG PIER

CHRIS TIU

DE LA SALLE GREEN ARCHERS

GILAS PILIPINAS

GLOBALPORT

JAY WASHINGTON

JERVY CRUZ

JOSEPH YEO

MIKEE ROMEO

MYTHICAL FIVE

PIDO JARENCIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with