^

PSN Palaro

Lady Eagles dumapo sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  St. Benilde vs NU

3 p.m.  La Salle-Dasma  vs FEU

MANILA, Philippines – Inokupahan na ng Ateneo Lady Eagles ang unang upuan sa semifinals sa 25-14, 25-17, 25-19 panalo sa Arellano Lady Chiefs sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference quarterfinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 19 kills si Alysssa Valdez para mag-isang kinaya ang buong Lady Chiefs na nagkaroon lamang ng 17 attack points sa kabuuan ng sagupaan.

Naghatid pa ng isang block si Valdez tungo sa 20 puntos bukod sa limang digs habang si Amy Ahomiro ay nagdagdag ng 13 puntos sa 8 kills, 3 blocks at 2 aces.

May walong puntos pa si Jhoanna Maraguinot habang ang liberong si Ella De Jesus ay may walong digs at siyam na excellent receptions at si Gizelle Tan ay gumawa ng 24 excellent sets para sa 5-0 karta ng Ateneo sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog pa ng PLDT Home Ultera.

Nalaglag ang Lady Chiefs sa 2-3 karta at wa­lang manlalaro ang ko­ponan na nasa doble-pigura para malagay sa alanganin ang paghahabol ng puwesto sa semis.

Kinapitan naman ng UST Tigresses ang ikala­wang puwesto sa 4-1 karta nang daigin ang UP Lady Maroons sa limang mahigpitang sets, 18-25, 25-17, 25-23, 17-25, 15-9 sa unang laro.

Naibalik ng UST ang focus sa laro sa deciding fifth set at sina EJ Laure, Marivic Meneses at ang nagbabalik na si Carmela Tunay at ang guest player na si  Carla Sandoval ang mga kumana sa mahalagang puntos upang makakalas sa FEU Lady Tamaraws at National University Bulldogs na da­ting kasalo sa puwesto.

ACIRC

ALYSSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ANG

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

CARLA SANDOVAL

CARMELA TUNAY

COLLEGIATE CONFERENCE

LADY CHIEFS

SAN JUAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with