^

PSN Palaro

Tambalang Biado-Kiamco ibabandera ang Pinas sa WCP

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasandal ang Pilipinas sa bagong tambalan para muling kuminang sa gaganaping 2015 World Cup of Pool sa York Hall, Bethnal Green sa London sa Setyembre.

May 32 bansa ang kasali at Ilalaban ng Pilipinas ang dating number one player sa mundo na sina Carlo Biado at Warren Kiamco.

Pareho silang sasali sa WCP sa unang pagkakataon ngunit tiyak na determinado sila para ibigay sa Pilipinas ang ikaapat na titulo sa torneo.

Sina Efren “Bata” Re­yes at Francisco “Django” Bustamante ay nagkampeon sa WCP ng dalawang beses na nangyari sa u­nang edisyon noong 2006 sa Wales at noong 2009 nang ginawa ito sa bansa.

Ang ikatlong titulo ay hatid nina Dennis Orcollo at Lee Van Corteza noong 2013 sa London.

Sina Orcollo at Corteza ay lumahok din noong nakaraang taon sa Portsmouth, England pero nasibak sila sa quarterfinals.

Magbabalik bilang nagdedepensang kampeon sina Karl Boyes at Darren Appleton ng England  habang sina Mark Gray at Daryl Peach  ang pangalawang panlaban ng host country.

May 17 bansa sa Europe, siyam sa Asia at anim na naka-kategorya bilang ‘rest of the world’ ang kukumpleto sa mga kasali sa torneo na gagawin mula Setyembre 22-27.

Ang mga dating kampeon na sina Thorsten Hohmann at Ralf Souquet (2011) ng Germany at Mika Immonen at Petri  Makkonen (2012) ng Finland ay magbabalik din.

Nasa $250,000.00 ang kabuuang premyo na pag­lalabanan at ang tatangha­ling kampeon ay magbubulsa ng $60,000.00.

ACIRC

ANG

BETHNAL GREEN

CARLO BIADO

DARREN APPLETON

DARYL PEACH

DENNIS ORCOLLO

KARL BOYES

LEE VAN CORTEZA

MARK GRAY

PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with