2 kamador ng Altas nangunguna sa scoring at assists
MANILA, Philippines – Lumabas bilang number one sa scoring at assist department sina Bright Akhuetie at Earl Scottie Thompson ng Perpetual Help habang si Allwell Oraeme ay nagdomina sa rebounding at blocks matapos ang first round elims sa 91st NCAA men’s basketball.
Lahat ng tatlong manlalaro na nabanggit ay naglaro sa siyam na asignatura at si Akhuetie ay nakapagbuslo ng kabuuang 192 puntos para sa 21.33 puntos average.
Tinalo niya ang pambato ng San Beda Red Lions na si Arthur dela Cruz na may pumapangalawang 19.67 puntos habang ang gunner ng host Mapua Cardinals na si Josan Nimes ay may 18.43 puntos matapos lamang ang pitong laro.
Hindi nagpapahuli ang mahusay na guard na si Thompson sa ibinibigay na 8.89 assists na siya ring ginagawa ng mahusay na point guard ng Arellano Chiefs na si Jiovani Jalalon.
Si De La Cruz ang nasa ikatlong puwesto bitbit ang 6.11 feeds.
Kung sa overall na paglalaro ang pagbabasehan ay lutang si Thompson dahil kapos lamang siya ng dalawang assists para makapagrehistro ng triple-double average sa unang ikutan. Ang graduating player ng Altas ay may 14 puntos at 11.4 rebounds average bukod pa sa 1.56 steals kada laro.
Pangunahing defensive player sa liga ang 6’9 na si Oraeme sa dominanteng 19.11 rebounds at 4.22 blocks.
Nasa malayong ikalawang puwesto si Bradwyn Guinto ng San Sebastian sa 12.78 boards bago sumunod pa si De La Cruz sa 12.56 rebounds habang ang iba pang imports na sina Prince Eze ng Altas at Jean Nguidjol ng Lyceum ang nasa ikalawa at ikatlo sa blocks sa 2.38 at 1.88 averages.
- Latest