Milo Little Olympics dadayo sa Laguna
MANILA, Philippines – Ang probinsya ng Laguna ang mamamahala para sa 28th Milo Little Olympics National Finals sa Oktubre 23-25 sa Laguna Sports Complex sa Sta. Rosa.
Bukod sa National Finals, pangangasiwaan din ng Laguna ang National Capital Region-South Luzon leg sa Agosto 28-30, ayon kay Milo Sports Executive Robbie de Vera.
“We’re happy to partner with the province of Laguna this year as our host of not just one, but two events including the National Finals this October in Sta. Cruz,” wika ni De Vera sa event launch kahapon sa Shakey’s Malate.
Nakasama ni De Vera sa okasyon sina Milo executive Andrew Neri, Vincent Soriano at Von Cruz ng Laguna at NCR Little Olympics director Robert Calo.
Apat na regional legs ng annual event ang inilatag kung saan ang una ay pakakawalan sa Cagayan De Oro sa Agosto 21-23 kasunod sa Santa Rosa, Laguna sa Agoto 28-30.
Ang third leg ay nakatakda sa Setyembre 4-6 sa Baguio City at ang fourth leg ay gagawin sa Setyembre 11-13 sa Iloilo.
Ang lahat ng gold medallists sa apat na elimination legs ang kakatawan sa kanilang mga rehiyon sa National Finals sa Sta. Rosa, Laguna sa Oktubre 23-25.
Ang mga events na nakahanay sa Milo Little Olympics ay ang athletics, badminton, basketball, chess, football, gymnastics, lawn tennis, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, sepak takraw at scrabble. Magiging demo sports naman ang arnis at karatedo. (RC)
- Latest