^

PSN Palaro

Lalabanan pa si Pacquiao: Roach ‘di naniniwala kay Mayweather

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pagkakataong dagdagan pa ang kinita sa pagbo-boxing ang pinaniniwalaan ni trainer Freddie Roach upang hindi matuloy ang sinasabing pagreretiro ni Floyd Mayweather Jr. sa pagtatapos ng taon.

Lalabanan ni Maywea­ther si Andre Berto sa Set­yem­bre 12 at sinasabing ito na ang kanyang huling laban at inaasahang aakyat ang karta sa 49-0.

Nasasabi na magreretiro na siya dahil ito rin ang huling laban sa anim na laban na pinirmahan sa Showtime.

“Don’t believe it,” wika ni  Roach sa The Daily Mail. “Floyd will fight on to his 50th. Too much money to be made. Especially if he fights Manny (Pacquiao) again.”

Sina Pacquiao at Mayweather ay nagtuos noong Mayo 2 at winasak ng laban ang mga records ng kita sa boxing.

Natalo si Pacman dahil sa may inindang right shoulder injury at patuloy ang paniniwala ni Roach na sila ang mananalo kung hindi nagkaroon ng aberya.

Nagpapagaling pa sa ngayon si Pacquiao ngunit inaasahang babalik ng ring sa Pebrero at nais ni Roach na si Danny Garcia ang siya nilang makaharap.

“The fight we want is Danny Garcia,” pahayag pa ni Roach. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANDRE BERTO

ANG

DAILY MAIL

DANNY GARCIA

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

LALABANAN

PACQUIAO

SINA PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
6 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with