^

PSN Palaro

Record ni Tiger Woods giniba: Fil-Aussie Jason Day kampeon sa PGA Championship

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pananalasa ng bag­yong ‘Yolanda’ sa Leyte noong Nobyembre ng 2013 ay namatay ang kanyang lola at pitong kamag-anak.

Ngunit ang malungkot na pinagdaanan ay may magandang bunga.

Matapos ang ilang linggo ay pinagharian naman ni Fil-Australian professional golfer Jason Day ang individual crown sa World Cup sa Melbourne, Australia at nakipagtambal kay Adam Scott para kunin ang team championship.

Isa lamang ito sa mga katangiang Pinoy na ipina­kita ng 27-anyos na si Day, ang inang si Dening ay tubong Tacloban, Leyte.

“I was so excited, I was so proud of him,” ani Dening sa panayam ng Australian Broadcasting Corp. matapos magkampeon si Day sa PGA Championship sa Sheboygan, Wisconsin.

Ibinulsa rin ni Day, lu­maki sa Beaudesert, Queensland, ang prem­yong $1.8 milyon.

Tinapos niya ang laro sa pamamagitan ng inihataw na 5-under 67 para sa kanyang three-shot victory at bumasag sa major championship record ni Tiger Woods para sa pinakamaraming strokes under par para sa 20 under.

Bago nakamit ni Day ang una niyang major title ay kinailangan ni Dening na ibenta ang kanilang ta­hanan para maipasok ang anak sa isang golf academy.

“I remember growing up, we were poor. I remember watching her cut the lawn with a knife because we couldn’t afford to fix the lawn mower,” sabi ni Day sa kanyang inang si Dening na nanirahan sa Australia tatlong dekada na ang na­ka­raraan.

Ang ama ni Day na si Alvin na nagpakilala sa kanya sa golf ay namatay dahil sa cancer noong 1999 nang siya ay anim na taong- gulang pa lamang.

 

vuukle comment

ACIRC

ADAM SCOTT

ALVIN

ANG

AUSTRALIAN BROADCASTING CORP

DAY

JASON DAY

LEYTE

SHY

TIGER WOODS

WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with