^

PSN Palaro

Nicolas at Dichoso bumandera sa Naga leg ng Milo Marathon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inagaw ng mga baguhang sina Alvin Nicolas, Jr. ng Central Bicol State of Agriculture at Macrose Dichoso ng University of the East Manila ang eksena nang magkampeon sa 21-kilometer event ng 39th National MILO Marathon sa Naga noong Linggo.

Nakilahok si Naga City Mayor John Bongat para pasimulan ang 5K race.

Nagrehistro ang 21-anyos na si Nicolas ng oras na  01:12:04 para talunin sina Gilbert Laido (01:17:07) at Ernie Payong (01:18:05) sa men’s division.

Bumandera naman si Dichoso sa women’s class nang magposte ng bilis na 01:35:50 para ungusan si­na Marilyn Bermundo (01:45:52) at Gemma Payong (01:46:16).

Kapwa nakamit nina Nicolas at Dichoso ang prem­yong P10,000 pati na ang tiket para sa Milo National Fi­nals sa Disyembre 6 sa Angeles, Pampanga.

Ang hihiranging Milo Marathon King at Queen ay may pagkakataong makalahok sa bigating 2016 Boston Ma­rathon.

Sinabi ni Nicolas, isang Agricultural Engineering stu­dent, na ang target niya ay malampasan ang kanyang personal time na 1:35:00.

“Ito na ang pinakamaganda kong time,” sabi ni Nicolas, naghari sa 10k event sa Naga noong nakaraang taon, matapos ang karera.

Ito rin ang kauna-unahang panalo ni Dichoso sa 21K race makaraang magreyna sa 10K at 5K races.

Mula sa Naga ay dadalhin ang mga qualifying legs ng Milo Marathon sa Lucena (August 30), Iloilo (September 20), Bacolod (September 27), Tagbilaran (October 4), Cebu (October 11), General Santos (October 18), Davao (November 8), Butuan (November 15) at Cagayan De Oro (November 22).

vuukle comment

ACIRC

AGRICULTURAL ENGINEERING

ALVIN NICOLAS

ANG

BOSTON MA

CAGAYAN DE ORO

CENTRAL BICOL STATE OF AGRICULTURE

DICHOSO

ERNIE PAYONG

GEMMA PAYONG

NICOLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with