^

PSN Palaro

Libreng tiket sa pagbabalik ni James ubos agad

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labing-limang minuto pa lamang matapos buksan ang online portal ng Nike Philippines na nikego.me/LebronRiseTour para sa libreng tiket sa ikalawang pagbisita sa bansa ni NBA superstar LeBron James ay kaagad itong naubos.

Naglahong parang bula ang mga tiket ilang minuto matapos buksan kahapon ng alas-9 ng umaga ang nasabing online portal para sa press conference ng Cleveland Cavaliers star sa Agosto 20 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang basketball fans na nabigyan ng dalawang tiket bawat tao para sa press conference ni James ay pinadalhan ng confirmation email.

Noong 2013 sa unang pagbisita ni James sa bansa matapos igiya ang Miami Heat para sa NBA crown ay nagpa-umaga ang kanyang mga fans sa labas ng Bonifacio High Street Nike store para makuha ang kanilang mga tiket.

Ang ilan sa mga tiket ay ibinenta sa online ng mga nakakuha sa halagang mula P10,000 hanggang P25,000

Nakatakdang dumating sa bansa ang four-time NBA Most Valuable Player na si James sa Agosto 19 bilang coach ng Nike Rise team kontra sa UAAP selection.

Kinabukasan ay magkakaroon siya ng press conference at magiging mentor ng mga finalists sa Nike Rise, isang reality documentary program na kumukuha ng mga street ballers sa buong bansa.

vuukle comment

AGOSTO

ANG

BONIFACIO HIGH STREET NIKE

CLEVELAND CAVALIERS

MALL OF ASIA ARENA

MGA

MIAMI HEAT

MOST VALUABLE PLAYER

NIKE PHILIPPINES

NIKE RISE

PASAY CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with