^

PSN Palaro

ISAA cagefest kasado na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pitong regular members at isang guest team ang maglalaban-laban sa 7th Inter-Scholastic Athletic Association (ISAA)  na magbubukas sa Agosto 19 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Mangunguna sa datihan ang Philippine Merchant Marine School (PMMS) na siyang nagde­depensang kampeon sa basketball.

Ang iba pang kasali ay ang Feati, St. Dominic College of Asia, Manila Taitana College, Manila Adventist College, Philippine Women’s University at La Consolacion Manila. Ang guest team ay ang PATTS.

“This is now our se­venth year and I feel we are getting bigger and stronger. Hindi madali ang magpatakbo ng liga at ngayong  nasa ikapitong taon na kami ay masasabi kong  nalagpasan namin ang malalaking hamon,” wika ni Melanie Florentino ng Feati na siyang pangulo ng ISAA nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.

Hindi pa maihahanay ang ISAA sa mga bigating collegiate leagues tulad ng NCAA at UAAP pero kumbinsido ang pamunuan na malapit na ang panahon na magiging ka-lebel na sila ng mga ito.

Tinuran ng pamunuan na ang iba nilang manlalaro ay naglalaro na sa PBA D-League habang ang champion team  ng liga ay kasali rin sa Philippine Collegiate Champions League (PCCL).

“Ang pagdagdag ng PATTS bilang guest team ay magandang senyales na maganda ang imahe  ng ISAA,” dagdag pa ni Florentino.

Bukod sa basketball ay magsasagawa rin ng aksyon ang ISAA sa volleyball, swimming, table tennis at badminton.

Si Ronnie Magsanoc ang inimbitahan para ma­ging panauhin sa pagbubukas ng liga. (AT)

ACIRC

ANG

CUNETA ASTRODOME

FEATI

INTER-SCHOLASTIC ATHLETIC ASSOCIATION

LA CONSOLACION MANILA

MANILA ADVENTIST COLLEGE

MANILA TAITANA COLLEGE

MELANIE FLORENTINO

PASAY CITY

PHILIPPINE COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with