^

PSN Palaro

Lady Patriots pasok sa quarters; Lady Stags hulog

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ng UST ang kampanya sa Shakey’s V-League  Season 12 Collegiate Confe­rence elimination bitbit ang apat na sunod na panalo nang lapain nila ang San Sebastian, 25-22, 25-15, 25-17, kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sinandalan ng Ti­gresses ang lakas sa blo­c­king para mapatahimik ang Lady Stags at hawakan ang pangalawang puwesto sa Group B sa 4-1 karta.

Si Chlodia Cortez ang hinugot ni coach Emilio Reyes Jr. para ipalit sa puwesto ng may injury na si Carmela Tunay at tumugon ito sa pagtala ng tatlong blocks at isang ace tungo sa 10 puntos.

May 11-3 bentahe sa blocks ang UST at hina­wakan nila ang 6-0 kalamangan sa departamento sa first set para maipanalo ang dikitang labanan.

Ang team captain na si Pamela Lastimosa ay umiskor ng 14 puntos ha­bang si Ennajie Laure ay may 12 para magkaroon sila ng magandang momentum papasok sa quarters sa ligang i­norganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Tuluyang namaalam ang Lady Stags sa kompe­tisyon nang magwagi ang La Salle-Dasma Lady Patriots sa St. Benilde Lady Blazers sa marathon na 25-19, 25-21,15-25, 18-25, 16-14 iskor sa huling laro.

Bunga nito ay tumapos ang Lady Patriots at Lady Blazers sa magkatulad na 2-3 karta para samahan na ang Ateneo at UST sa quarterfinals.

Nagkaroon din ng ki­nang ang pagsali ng University of Batangas Mighty Brahmans dahil nakatikim din sila ng panalo matapos ang limang laro sa pamamagitan ng 19-25, 25-22, 25-22, 28-26 panalo sa talsik na ring PUP Lady Radicals.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

CARMELA TUNAY

COLLEGIATE CONFE

EMILIO REYES JR.

ENNAJIE LAURE

GROUP B

HOME ULTERA

LA SALLE-DASMA LADY PATRIOTS

LADY STAGS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with