^

PSN Palaro

Maroons pinitas ang quarters ticket

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinuha ng UP Maroons ang ikatlong upuan sa quarterfinal round sa Group B nang pataubin ang La Salle-Dasma Patriots, 23-25, 25-16, 25-19, 25-22, sa Spikers’ Turf Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 19 puntos si Wendel Miguel, tampok ang 17 kills, habang may 15 si Al­fred Gerard Valbuena, ka­sama rito ang 12 kills.

May 11 puntos si Julius Evan Raymundo upang ma­patahimik ang Patriots.

Ito ang ikatlong panalo sa apat na laro ng Maroons pa­ra samahan ang Ateneo Blue Eagles at La Salle Green Archers sa quar­ter­finals, habang bagsak sa 0-4 ang Patriots para ma­maalam sa liga.

Nakisalo ang National University Bulldogs sa li­de­­­rato sa Group A nang igupo ang FEU Tamaraws,  25-23, 19-25, 22-25, 25-21, 15-13, sa ikalawang laro.

Kumapit sa tibay ng dib­dib sa kanilang manla­laro ang koponan matapos bu­ma­ngon mula sa 1-2 iskor at naghabol mula sa 8-11 iskor sa deciding fifth set pa­ra sa ikaapat na sunod na panalo at ma­­katabla sa unahan ang pa­­hingang NCAA champions na Emilio Aguinaldo College Generals.

Sina Bryan Bagunas at  Fauzi Ismail ay nagtala ng 23 at 22 puntos, habang may 19 si Madzlan Gampong para ipasok na rin ang pahingang NCBA Wildcats sa susunod na round.

Ang kabiguan ay nagtu­lak sa Tamaraws sa 1-3 kar­ta para mabigyan ng pag­kakataon ang Mapua Cardinals na makasalo sa ma­­halagang ikaapat na pu­westo.

Aabante ang apat sa anim na koponan na mag­ka­kagrupo sa quarterfinals kaya’t nakabuti rin sa Cardinals ang pagkulapso sa na­sabing laro.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATENEO BLUE EAGLES

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FAUZI ISMAIL

GERARD VALBUENA

GROUP A

GROUP B

JULIUS EVAN RAYMUNDO

LA SALLE GREEN ARCHERS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with