Harden inalok ng $200M para sa sponsorship deal sa Adidas
HOUSTON – Nagsumite ang Adidas ng bid na $200 milyon sa loob ng 13 taon para sa sponsorship deal kay Rockets guard James Harden.
Natapos na ang sponsorship deal ni Harden sa Nike kamakailan at may isang linggo pa sila para tapatan ang alok ng Adidas sa NBA superstar.
Binitawan ng Adidas ang kanilang uniform deal sa NBA matapos mag-alok ang Nike ng $1 billion bid noong Hunyo para sa 2017-18 season.
Sa Miami, pinapirma ng Miami Heat si guard Josh Richardson sa kanyang rookie contract.
Pumayag si Richardson sa naturang kasunduan noong nakaraang linggo at kahapon ay nilagdaan niya ang kontrata sa Heat.
Tatanggap siya ng $2.5 milyon sa loob ng tatlong taon mula sa 2016-17 hanggang 2017-18 season.
Nakuha si Richardson sa second round ng nakaraang NBA Draft bilang No. 40 overall matapos ang four-year college career sa Tennessee.
Naglalaro siya bilang point guard at wingman para sa Heat sa nakaraang mga NBA Summer League sa Orlando at Las Vegas .
Nagposte si Richardson ng average na 11.8 points.
Natunghayan siya sa 10 summer games para sa Miami.
Sa Denver, inayos ng Nuggets ang kontrata ni forward Danilo Gallinari para papirmahin sa multi-year contract extension.
Nauna nang naihayag na pinapanalisa ng Nuggets ang two-year contract extension ni Gallinari na magbibigay sa kanya ng $34 milyong suweldo hanggang sa 2017-2018 season.
Sa Minnesota, opisyal nang maglalaro si veteran guard Andre Miller sa Timberwolves matapos lumagda ng kontrata.
Ang kontrata ni Miller sa Minnesota ay inaasahang one-year deal para sa veteran minimum.
- Latest