^

PSN Palaro

Thompson magpapalakas sa Warriors; Evans kinuha ng Mavericks

Pilipino Star Ngayon

OAKLAND, Calif. – Hi­nugot ng NBA champions na Golden State Warriors si forward/center Jason Thompson mula sa Philadelphia 76ers bilang kapalit ni forward Gerald Wallace na nakuha nila mula sa Bos­ton Celtics sa trade kay David Lee.

Ito ang inihayag ng Gol­den State na magbibigay din sa Philadelphia ng cash at draft considerations.

Sinabi ni Warriors gene­ral manager Bob Myers na si Thompson ‘’adds con­­siderably to our team’s depth, which was a big key to our success last season and will be moving forward.’’

Nakita ang 29-anyos na si Thompson sa 81 games sa nakaraang season at nag­tala ng mga averages na 6.1 points at 6.5 rebounds na tinampukan ng pitong double-doubles.

Kinuha siya ng Sacramento Kings bilang 12th overall pick noong 2008 draft.

Dinala si Thompson sa Philadelphia mula sa Sacramento kasama sina Carl Landry at Nik Stauskas.

Sa Dallas, hinugot ng Mavericks si free-agent forward Jeremy Evans, ang 2012 slam dunk champion sa NBA All-Star Weekend.

Nagposte si Evans ng mga averages na 3.7 points at 2.7 rebounds sa li­mang seasons para sa Utah Jazz.

Ang 6’9 na si Evans ay ang second-round pick ng Utah noong 2010.

Siya ang career blocks leader sa Western Kentucky sa itinala niyang 224.

Makakasama ni Evans sa Mavericks bilang backup sina Charlie Villanueva at Dwight Powell.

Sa Denver, pinapirma ng Nuggets si top pick Emmanuel Mudiay sa isang multiyear deal.

Hinirang na seventh over­­all selection, aasahan ng Nuggets ang 19-anyos na si Mudiay matapos ni­lang ipamigay si veteran guard Ty Lawson sa Houston Rockets.

Maganda ang inilaro ni Mudiay sa nakaraang Sum­mer League sa Las Ve­­gas para sa Denver.

Naglista siya ng mga ave­rages na 12 points at 5.8 assists para sa Nuggets.

Dahil sa mahusay niyang inilaro ay kinilala si Mu­diay sa All-NBA Summer League Second Team.

Sinabi kamakailan ni general manager Tim Con­nelly na kumpiyansa si­yang kaagad makukuha ni Mudiay ang sistema ng bagong coach na si Michael Malone.

Inaasahang makakatuwang niya si veteran point guard Jameer Nelson sa backcourt.

Nauna nang naglaro si Mudiay sa Chinese Basketball Association kung sa­an siya nagsalansan ng average na 18 points no­ong na­karaang season.

ACIRC

ALL-STAR WEEKEND

ANG

BOB MYERS

CARL LANDRY

CHARLIE VILLANUEVA

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

DAVID LEE

DWIGHT POWELL

MUDIAY

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with